MARAMING AKTIBONG BULKAN SA ATING BAYAN🌋

Tula ni Melchor Epan



Magandang umaga po sa lahat ng mga miyembro't mga opisyales, FPB😇👪✍️

Humihiling po akong sa ating masisipag na mga Admins para maibahagi po itong aking katha.

Maraming salamat po.

MARAMING AKTIBONG BULKAN SA ATING BAYAN🌋

Marami nga tayong aktibong bulkan,
Na ito'y nakakamangha't napakagandang pagmasdan;
Sa kanilang luntiang kulay at iba't-ibang anyo't hugis,
Dinarayo ng mga turistang 'di inaalintanang panganib.

Mapanganib sa lahat ng dumarayong turistang sumusuway,
Sa mga kautusang iingatan maigi ang kanilang buhay;
Dinadala ang kanilang mga kagamitan para sa ekspedisyon,
Upang malaman ang tungkol sa kani-kaniyang isinusulong..

Buhay nga nila'y nakataya,
Subali't ang layuning makabuluhan kung kaya't binabalewala;
Sa mga mag-aaral na dapat nilang suriin at pag-aaralan,
Ang ugaling mayroon ang mga bulkang nasa iba't-ibang panig ng ating bayan.

Ang bulkan ay may mga pangitain kapag malapit nang sumabog,
Nararamdama't natataranta din ang iba't-ibang mga hayop;
At ang kanilang dalang aparatus,
Ay may kakaibang mga datos na mataas ang porsiyentong sasabog.

Marami na ngang sinira ang mga bulkan,
Malaki itong banta sa mga kabuhaya't kalusugan ng mga mamamayan,
At kapag ang isang bulkan ay nag-alburuto,
Magdidilim ang paligid na pihong bubuga ito ng kumukulong putik na mananalasa sa kabuhayan ng mga tao.

Hindi nga ito masulusyunang mapigil ang pagsabok nito,
Kaya't nararapat lang na lalayo ang mga nakatirang mga tao;
Upang maisalba ang kanila buhay,
Tuwing nagngangalit  ang bulkan na apektadong mga walang malay.

Napatunayan na ring ang pag-bubuga ng mga kumukulong putik, abo't buhanging ay may kapakinabangan,
Ang bulkang Pinatubo nga'y may silbi rin sa ating bayan,
Pinalago ng taglay na abono ang lahat na taniman ng mga mamamayan,
Sa bayan ng Botolan at karatig probinsiya'y nakikinabang.

Bilyong tonelada rin ang ibinugang mga buhangin,
Mga bahay na nasira'y naging konkreto na rin;
Nagmura ang presyo ng buhangin sa merkado,
At sa buong mamamayan ng Botolan, Tarlac at Pampanga't Bataan ay nakabangon sa buhanging kapaki-pakinabang sa mga taong natira dito.

Oo nga't tinabunan nga ang mga tahana't simbahan,
Pero tayo rin ang may kasalanan;
Na kusa tayong lumalapit sa mga paanan ng bulkan,
Kaya dapat lang sundin ang ipinag-uutos ng mga opisyales ng ating bayan.

           Ni: Melchor Epan
@Inilaan ang lahat ng karapatan
               10/23/2021
                       ~~

Ang bulkan ay nagtataglay ng kayamanan dulot ng kalikasan. Kailangang bigyan din ito ng pansin at masusing pagsusuri upang malaman ng mga tao ang hangganan ng kanyang kumukulong damdamin sa loob upang ang mga tao na nasa paligid ay mabigyan ng babala para sa kaligtasan nila. Share ko sa blog ko Brod? LCD,  October 24, 2021

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH