ORAS NANG PANUNULSI

Tula ni Ninfa Vasquez Mateo 



ORAS NANG PANUNULSI
Shallow and Hollow

Kakaiba ang ganda ng gabing napagmasdan,
Lutang ang angking kakinangan ng kalangitan,
Liwanag ng tala at kabilugan ng buwan, 
Nagbibigay tanglaw sa pusikit na karimlan,

Mga punong simbolo nitong inang kalikasan,
Binigyang lilim ang init ng katanghalian,
Suhay at panangga sa lakas ng bagyo at ulan,
Buhay na nasa panganib ay may kaligtasan,

Kalagayan ng tao ay parang isang buwan,
Maaliwalas at tahimik ang kapaligiran,
Kapag may sinag sa tahanang maaasahan,
Masaya at matiwasay ang kahihinatnan,

Kapareho ng kahoy na taga sa panahon,
Napakahalaga ang bawat sanga at dahon,
Dumarating na mga unos ay nalalampasan,
Matitibay na ugat at puno ang sandigan.

♧NCVM


Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay