PILIPINAS, PERLAS NG SILANGAN...

Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon 



PILIPINAS, PERLAS NG SILANGAN...

Nang ako ay ipinanganak sa bansa kong pinakamamahal
Pilipinas ,,perlas ng silangan,,lupang aking tinubuan
Lupaing SAKDAL DILAG ,,watawat malayang nakawagayway
Ang gandang tingnan,,nagsosolong sumasayaw ,, sa kaitaasan

Lumaki akong matapang sa pakikipagbaka sa buhay
Akala ko'y kinabukasan ng Pilipinas ay karangyaan
Ano ba't ang nangyayari'y bumulusok sa tunay na kahirapan
Nasaan ba ang tunay na kalayaang pinakaaasam ?

Sino ba ang dapat sisihin sa mga nangyayaring karumal dumal ?
Sa mga namumuno o sa mga pabayang mga mamamayan ??
Nawalan ng lakas na ipaglaban ang tunay na kasarinlan
Hinayaang mapasakamay ang PERLAS ,, sa kamay ng dayuhan

Marami pang pagkakataong dapat gawin at magtulungan
Nang ang PILIPINAS ay makaahon sa SALOT at kahirapan
Wala nang sisihan bagkus tayong lahat ay magtulungan
Sino pa ba ang AAHON sa NADAPÂ kundi'y TAYO lang naman

PILIPINAS,bumangon ka at mapanghawakan mong MAHIGPIT
SINTURON mong BAKAL ang TAGAL mong IHAGUPIT nang MALUPIT
Nang ang TATAMAAN ay tuluyang MAGBAGO at HUMAGIKHIK
PAGBANGON ng PERLAS NG SILANGAN,LANTAY NA GINTO'Y MAIBALIK

Pagdating ng panahong yaong ating PINAKAHIHINTAY
PILIPINAS ay muling KIKINANG ang PERLAS sa karagatan
MALALAGONG  mga punong KAHOY sa KABUNDUKAN
PILIPINAS ay muling HAHALAKHAK sa PAGBUBUNYI at KAGALAKAN !!!

Zoraya
Pilar, Sorsogon
Sept. 10, 2021
2:04 p.m .

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH