PINTIG NG PUSÔ

Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon



PINTIG NG PUSÔ ...

Ang pusô ilang beses ba ang pintig ?
Sa isang minuto o sa bawat saglit
Saan ba galing ang hanging hinihinga?
Marami sa nilalang walang alam sila

Bawat pintig ng puso, hangi'y katumbas
Himalang hindi mawari, hindi nakikita
Linikha ng DIYOS, hanggang sa wakas
Nang kapangyarihan NIYA ay makilala

Hanging hinihinga ng bawat nilalang
Ito ay LIBRE, galing sa MAYKAPAL
Bakit hindi maalaala, ito'y pasalamatan
Bawat pintig ng puso ang bigay ay buhay

Kung bibilangin ang bawat minuto
May 60 beses na pintig, halaga ay PISO
Ilang YAMAN kaya ang dapat bayaran
Ng isang tao sa hanging kinailangan

Ganting-balik ay hindi ito hinihintay
Ng ating DIYOS doon sa kalangitan
Ang KANYANG hiling ay kabutihan
Mahalin ang kapwa at tayo'y mag- ibigan

Zoraya
Pilar,Sorsogon
Philippines
Sept. 25, 2021
1:06 p.m.

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay