TULA MO, TULA KO

Tula ni Divina Cruz Tagaza



Kuwentula Ni Bebang
October 02, 2021

< Tula for Helen Sarita >

Taong 2014, hindi mo ako kilala
Nakita na kita, di rin kita kilala
Nagkataon sa iisang pahina
Sa Kabayan Weekly, tayo'y pinagsama...

Tula mo ay hinggil sa "walang hanggan"
Tula ko'y tungkol sa mga "surot" naman
Lumipas ang mga taon, hindi ko inaasahan
Ang koneksiyon pala natin ay madudugtungan...

Sa unang pagkakataon nang ako'y iyong tawagan
Alam mo bang mayroon agad akong naramdaman
Na ikaw ay mabait at madaling makakagiliwan
Masuporta, mapagbigay at hindi mang-iiwan... 

Ang iyong mga katangiang hindi pangkaraniwan
Sa panahon ngayon ay sadyang mahirap matagpuan
Ikaw ang "Mother Eagle" na inspirasyon at kinaaaliwan  
Poetess na de- kalidad, hinahangaan at di mapapantayan...

Happy Blessed 56th Birthday Pres. Helen Sarita 
Enjoy your very special day 
God bless 🙏

Filipino Poets in Blossoms 🌸 

 


Popular posts from this blog

TIME MAGAZINE: ALEX EALA COVER

COCOY LAUREL'S GIFT TO NORA AUNOR

YOLANDA, ODETTE AND UWAN