Ang Bagong Cedula

Ni RG

Ang Bagong Cedula

Pilasin natin ang nagkukunwari nating anyo
Pilipino sa panlabas ngunit manunupil na pagkatao.
Ang ating tirahan ay nasa lupang sinilangan
Ang  ating tahanan ay nasa lupang ating ipaglalaban.
Marahil ang iba ay buong buhay na nasa kabundukan
Subalit estranghero pa rin sa ating mahal na bayan.
Ang iba'y naglakbay patungo sa lupang dayuhan
Subalit nasa puso pa rin ang bayang minamahal.
Kung sa isang cedula'y mapapakita ang pagkamakabayan:
Para lamang itong papel na kalulumaan.
Nasa puso ang kaluluwa ng pagiging isang Pilipino.
Pakinggan natin ang tibok nito at mahahanap natin kung sino tayo.

(Sa panulat ni Rado Gatchalian)

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay