Ang Maya at ang Puno ng Bayabas
Tula Ni Dolores Lapinid
Isang umaga nagpunta ang isang maya.
“puno ng bayabas, maari ba akong makitira?”
“Marami at malaki ang aking mga sanga
Ok lang iyon, dalhin mo ang iyong buong pamilya.”
Gumawa kaagad ng pugad ang mga maya
Ito ay malaki, kasya ang buong pamilya
“Napakabait mo , puno ng bayabas.”
“kaibigang maya, mayroon na akong kasama”.
“Tayo ay nilikha para gumawa ng kabutihan
Hindi ang magpalaganap ng kasamaan”
Dapat din natin mahalin ang ating kapwa
Ang Maykapal ay laging mapagalaga.
Salamat puno ng bayabas, ikaw ay tunay na kaibigan
Marami ang aking mga bunga, kumuha at iyong tikman
Mahirap mabuhay ng nagiisa sa malawak na bukirin
Hayaan mo puno ng bayabas, babantayan ka namin.
© Dolores Lapinid
Agosto 6, 2021