BUKANG LIWAYWAY

Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon

### BUKANG LIWAYWAY ###

Ang haring araw ,, ay makikita tuwing umaga
Nagbibigay ng liwanag ,, dito sa balat ng lupa
Ang kanyang kagandahan ,, ika`y mahahalina
Parang dalagang birhin ,, nakakabighani talaga

Ang araw ginawa ng DIYOS ,, sariling mithiin
Upang ang tao ,, bigyan ng dapat alalahanin
Na pakatapos ng dilim ,, liwanag ay darating 
Tulad ng buhay may ginhawa ,, may mga tiisin

Bukang liwayway ,, ohh!! ang gandang tingnan
Namumula-mula at dilaw ,, kung iyong tititigan
Ang ganda sa mga mata ,, maaliwalas paligiran
Nagbibigay bagong pagasa ,, sa sangkatauhan

May kasabihang pag may ulan ,, may tag-araw
May lungkot at may saya o kaya`y mapanglaw
Pagdating ng bukas,, siguradong may liwayway
Kaginhawahan ,,ay tiyak makakamtan ng buhay

Ang ating buhay bigay ng DIYOS ,, ay mahalaga
Ito ay ating pangalagaan ,, bigyan ng disiplina
Huwag aabusuhin ,, sa bisyo at ibang bagay pa Alalahanin,, BUKANG-LIWAYWAY na maganda

Zoraya
Pilar,,Sorsogon
Philippines
Nov 29,,2021
6:36 a m

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay