FILIPINO: WIKA NG PAGPAPAHAYAG

Tula ni Ellen Retoma
 
Paano ipahahayag, paano susukatin
Kaunlarang taglay , kayamanan angkin
Ginto’t perlas na lantay  sa bansa natin
Kung di sa bawat sambit   ng wikang angkin.
 
Wikang Filipino na  sandatang tunay
Upang  sa lahat ay maipaalam
Kung anu-ano an gating taglay
Ang ating mga naabot na tagumpay.
 
Wikang salamin ng ating kaluluwa
Ekspresyon upang sambiti’t ibalita
Dunong at husay na taglay ng gunita
Edukasyo’t aral handog ng Inang bansa.
 
Sa ating wikang pambansa  mababatid
Konkretong batayan ng bawat nakamit
Datos , istatistika at talang hatid
Pinto ng impormasyo’y di mapipinid.
 
Ang Wikang Filipino  animo’y tanglaw
Mula Luzon, Visayas at sa Mindanao,
katutubo man, Ibanag at Ifugao
Isyu’t kuro-kuro’y mabibigyang linaw
 
Wikang Filipino’y ating pagyamanin
Sa bawat salinlahi itanyag’t buhayin
Iwasang makuntamina , huwag bababuyin
Gamitin ng wasto at paunlarin.
 
Kung wala ang wika kaunawaan ay di klaro
Mga larawan at simbolo kahuluga’y di sakto
Malibang sa wika ipahayag ito
Kahulugan nito ay pabago bago.
 
Tayo na… Wikang Filipino’y  itanyag,
Sa buong daigdig ating ipahayag.
Tatak ng  lahi ‘t pagkamamayan
Ituro’t  ipagamit sa buong bayan.
---

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH