HIMIG NG ALON

Tula ni Frandres Irean
(Acrostic)



Napa on the spot akong bigla habang ka chat si Nay Leah

HIMIG NG ALON

H-imig ng alon ay tila isang bulong,
I-winawangis ang magandang awiting sa puso nagkakanlong,
M-usikang ikaw lang ang nakakaunawa ng layon,
I-pikit man ang mga mata'y dama ang damdaming nandoon,
G-umuho man ang kastilyong buhangi'y muling babangon,

N-awasak man ang pangarap ay may pag-asa sa dako pa roon,
G-umagapos na pighati'y hayaang patirin ng alon,

A-ng himig ng alon ay  dadampi sa pusong hindi makaahon,
L-upaypay na bagwis muling kakampay pagsubok man ang sumalubong,
O-yayi ng kabigua'y mapapawi manalig lang sa Panginoon,
N-agdurugong sugat sa haplos ng alon ay maghihilom.

Ang larawan ay sariling kuha ni Nay Leah

November 18, 2021

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay