LEVI CELERIO
From Pinoy History
April 30, 2020
ATING BALIKAN ANG TALENTO NG NAG-IISANG LEVI CELERIO
Si Levi Celerio ay ang bukod tanging musikero na gumagamit ng dahon bilang kanyang musical instrument na kinilala ng Guinness Book of Records.
Si Levi Celerio ay nakagawa ng higit 4,000 na kanta. Ilan sa ang mga nagawa n’ya ay ang "Ikaw", "Kahit Konting Pagtingin", "Saan Ka Man Naroroon?"
S’ya rin ang nag-compose ng Filipino lullabye Sa Ugoy ng Duyan, maging folk songs na "Ako ay May Singsing", "Ang Pipit", "Dungawin Mo Hirang", "Itik-Itik", "Pitong Gatang", at "Waray-Waray". Pati ang “Ang Pasko ay Sumapit" o "Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon"
Noong October 9, 1997 sa ilalim ng Proclamation No. 1114 ng dating Presidente Fidel V. Ramos tinanghal s’ya bilang National Artist para sa Music and Literature. Namatay s’ya noong April 2, 2002 sa edad ng 91 dahil sa multiple organ dysfunction. Inilibing s’ya sa Libingan ng mga Bayani.
April 30 ang pag-alala sa kanyang kaarawan.