PINTO NG PAGSUBOK
Humihingi po ng Pahintulot na ipaskil.
"PINTO NG PAGSUBOK"
(Paglilingkod ng kusang-loob)
Ni:Dorie Reyes Polo
Pag-ibig sa Bayan di kayang ikubli
Sa munting paraan maglingkod sa kalahi
Tatagan ang loob hinaho'y maghari
Ang inaasahan kung minsan ay mali.
Pinto sa paligid ay nagkakailan
Alin ang pipiliin at nais puntahan
Sa landas na tama mahirap na daan
Dahil mag-isa kang, dapat manindigan
Marami sa tao ay sobrang talino
Nais pumusisyon ayaw trumabaho
Makapal ang apog, at wala pang modo
Ugali ay lason, matigas ang ulo.
Nais saklawan ang lahat ng bagay
Kanyang kagustuha'y ay hindi na normal
Maglubid ng buhangin
ay sanay na sanay
Ang katotohanan ay binabaligtad.
Nakakapagtaka, may karismang bahag
Sa kayabangan, ay may nahihinlak
Walang pakundangan
kung Ika'y mawasak
Basta't ang gusto n'ya
ang isasambulat.
Kailan gigising ang manhid na lupon
Kailan mumulat ang bulag na kampon
Sayang ang huwisyong
sa yabang nabaon
Bakit kokonsentihin ang lintang umusbong.
Pinto ng pagsubok ay laging nariyan
Hinahon ng isip, ay s'yang kailangan
Huwag mong ipipilit ang yong kagustuhan
Saliksin mo rin, iyong karapatan.
Bakit ang totoo ay di panindigan.
Binabaligtad mo tunay na dahilan.
Ang kapal ng mukha bihasang manlinlang
Manggagamit ng kapwa
walang pakialam.
Kapwang pakunwari, sa iyo'y nakangiti
Ngunit pagtalikod mo'y,
mukha'y nakangiwi
Daig pa ang minalas
naihian ng butiki
Ang pakikisama'y, panay
pakunwari.
Tanging ang nais ko
ay taong matapat
Marunong gumalang at hindi hurindat
Hindi rin traidor, dusong
at pahamak
Pinto ng pagsubok, buksan ng maingat.
Oktubre 6, 2021
Kathang-isip ni
Dorie Reyes Polo
Fashion Designer
Filipiniana expert
Ms. Loi Maristela ❤️