Sa Aking Pagtanda

Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon
November 15, 2021

Noon ang aking pagkatao'y ipinakisamang buong- buo
Halos napabayaan ko ang aking sariling pamilya.
Ngayong matanda na ako'y aking napagtanto
Kailangan lang pala ako kung palaging makikisama

Sa pagdaan ng mga taon at maraming naging karanasan
Lalo't wala akong yaman at pinag-aralan
Pang-iinsulto halos ang nakakamtan
Iyak ang aking pinakamalakas na sanggalang

Ngayon malapit na ako sa salitang Alzheimer o Dementia
Aking pinaghahandaan bumasa't humabi ng tula
Nang ang aking oras ay bigyan ng halaga
Matulog,magtanim,ito pa ang aking ginagawa

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay