SA MUNDONG IBABAW

By Duoi Ampilan

SA MUNDONG IBABAW 

Sa Mundong puno ng pagsubok at sakbibi ng dalamdati, matuto kang umagapay, makibagay at makipagsabayan.

Sa buhay na kakambal ang kabiguan, matuto kang yakapin ang katotohanan.

Sa mundong ito, lumaban ka at harapin ang bawat bukas na may ngiti sa labi, tapang, pag-ibig at pananampalataya.

Inspirado na naman ang Baby Bakunawa sa kanyang Buhay Bukid. Hindi madali ang daan subalit kakayanin bilang paunang hakbang tungo sa dako pa roon.

Maputik man ang dadaanan ay hindi alintana ng bagong Batang Batibot sa tulong ng mga nakapalibot sa kanya.

Bata pa siya ay lantad na siya sa katotohanan ng buhay. Hindi madali subalit kakayanin. Puno man ng pagsubok pero hindi salat sa ligaya.

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay