SALAMAT NA LAMANG
RIP
"SALAMAT NA LAMANG"
Emilio Laxamana Aguinaldo
May hawak na tungkod kung siya'y lumakad
Tanglaw ng paningi'y malabo ang sinag
Salamin sa mata ang siyang liwanag
Na gabay ng isang parang kapos palad
Ang buhok sa ulo na dati'y kay kapal
Manipis na ngayo't puno na ng uban
Ang gitla sa noo'y hindi na mabilang
Mahina ang tuhod hapo ang katawan
Pagdakay naupo sa pakakatayo
Saka ipinukol tingin sa malayo
Habang binibilang himutok ng puso
Naglaro sa isip panahong naglaho
Nuon mo nadama sa ubod ng dibdib
Ang sugat ng puso na sukdol ng pait
Kaya't pinilit mong iwaksi sa isip
Mga alaalang dulot ay pasakit
Salamat na lamang ang naibulong mo
At hanggang may lakas iyong napag-tanto
Kung sino ang dapat itawil sa mundo
At ang mga taong sa yo'y nagkanulo
thanks to a friend's help to type
♥*✿*•♥
May hawak na tungkod kung siya'y lumakad
Tanglaw ng paningi'y malabo ang sinag
Salamin sa mata ang siyang liwanag
Na gabay ng isang parang kapos palad
Ang buhok sa ulo na dati'y kay kapal
Manipis na ngayo't puno na ng uban
Ang gitla sa noo'y hindi na mabilang
Mahina ang tuhod hapo ang katawan
Pagdakay naupo sa pakakatayo
Saka ipinukol tingin sa malayo
Habang binibilang himutok ng puso
Naglaro sa isip panahong naglaho
Nuon mo nadama sa ubod ng dibdib
Ang sugat ng puso na sukdol ng pait
Kaya't pinilit mong iwaksi sa isip
Mga alaalang dulot ay pasakit
Salamat na lamang ang naibulong mo
At hanggang may lakas iyong napag-tanto
Kung sino ang dapat itawil sa mundo
At ang mga taong sa yo'y nagkanulo
thanks to a friend's help to type