TUNAY NA KAIBIGAN

Tula Ni Cherrie Facun Dancel 

Kapag nangangailangan ng tulong
At may isang taong sa iyo'y nag-abot
Ng kayamanang sa panyo'y ibinalot
Siya ay tunay na kaibigan.

Kung may kinakaharap na matinding suliranin
May taong sinamahan kang manalangin
Ikaw ay sinamahan at hindi iniwanan
Siya ay tunay na kaibigan.

Kapag ikaw ay nalulumbay
Siya'y nakaalalay at nagbibigay ng gabay
Pinapasaya sa kwentong katatawaan
Siya ay tunay na kaibigan.

Kapag ikaw ay natitisod at nadadapa
Sinasabihan kang "Sino kaya ang tanga?"
Pinagtawanan, ngunit sa pagbangon ika'y tinulungan
Siya ay tunay na kaibigan.

Kapag nakakagawa ng kasalanan
Sa Diyos humingi ng kapatawaran
Nakahanda Siyang magpatawad kailanman
Sapagkat Siya ay tunay na kaibigan.

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay