BAGWIS NG PANGARAP

Frandres Irean

BAGWIS NG PANGARAP

Huwag kang mamihasa sa tayog ng iyong lipad,
Baka sa pagbagsak mo'y sa pighati ka mamugad,
Huwag ipagyabang kong ang kislap ng tala mo'y mas matingkad,
Sa mundong ibabaw lahat manlalagas walang mananatiling namumukadkad.

Sa pagkampay ng iyong bagwis patungo sa kalawakan,
Kung malalampasan mo ang maitim na ulap na hahadlang,
Maging kawangis ka sana ng matayog na punong kawayan,
Marunong yumuko at humalik sa lupang pinagmulan—tiyak ang paroroonan.

Hindi ba't kay sarap abutin ng  pangarap na walang masasaling?
Hindi ba't ang katas ng pawis mo't dugo ay kay tamis lasapin?
Hindi ba't nakagagalak kong sa paglipad mo'y tama ang iyong lalandasin?
At isang karangalan kong kabutihan ang iyong hahangarin?

Sa iyong paglipad bumagsak man o mabigo huwag lilihis ng landas,
Maging matatag harapin ang pagsubok na hatid ng bukas,
Huwag sumuko—ituloy ang laban sa mundong marahas,
Panginoon ang gawing sandigan—ang magbibigay ng lakas.

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH