KUNG DISIN SANA
Tula ni Frandres Irean
Kung ang mga tula ko lamang ay isang MAHIKA,
Napawi ko na sana dusang tinatamasa,
Kung ang mga tula ko lamang ay isang LAMPARA,
Madilim na landas tinanglawan ko na sana,
Kung ang tula ko lamang ay bungkos ng PAG-ASA,
Ididilig ko sa lupa isang dakot na LIGAYA,
Kung ang mga tula ko lamang ay kumpol ng SAYA,
Sa labing humihikbi NGITI'Y aking ipipinta.
Kung ang mga tula ko lamang ay isang TULAY,
Paglalapitin ko mga damdaming pinaglayo ng AWAY.
Kung ang mga tula ko lamang ay isang KAMAY,
Hahaplusin at papayapain puso mong may LUMBAY.
Kung ang mga tula ko lamang ay isang KUMOT,
Babalutin ko ang sa lamig ay NAMAMALUKTOT.
Source: Self-Publishing x Movement
December 7, 2021