LOLA
Si Lola at ang aking paboritong laruan
Ni: Jhake Morales
Sa aking paglalakad kasama ang aking lola
Bumababalik kanyang bawat alaala
Sa mga nakaraan niyang istorya
May malungkot, mayroon ding masaya
Sa di kalayua'y may natanaw kaming nagtatakbuhan
Natabig bigla ang bitbit kong paboritong laruan
Ito'y tumilapo't sumawsaw sa putikan
Dumausdos sa butas na may kalaliman
At noong akma kong abuti't hawaka'y
Hinawi ni lola ang aking kamay
Marumi na iya't papabili nalang daw kay inay.
Apo ,sa buhay may nawawala talaga
Mga bagay na hindi sa iyo nakatadhana
Kung pipilitin mong kunin, baka masugat ka
Kung pipiliting kuhai'y marurumihan pa
Kung matigas ang ulo'y mapapahamak ka.
Tinago ko sa ngiti ang aking kalungkutan
Binagtas namin ang matarik na daan
Nang biglang si lola'y natisod at nahulog sa kanal
At noong inabot nya sa akin ang kanyang kamay
Ako'y nag wika...
Lola ,sa buhay may nawawala talaga
Mga bagay na hindi sa iyo nakatadhana
Kung pipilitin mong kunin, baka masugat ka
Kung pipiliting kuhai'y marurumihan pa
Kung matigas ang ulo'y mapapahamak ka.
Sa aking pag-uwi tinanong ni inay
Nasaan na daw si lola na kanyang nanay?
Tugon ko'y si lola'y marumi na, palitan nalang po natin ng iba
Tulad ng laruan ko makabibili naman po tayo ng bagong lola di po ba?