PALIMOS NG AWÂ

Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon



PALIMOS NG AWÂ .....

Nakapikit yaring mata mo,,nang ika'y dumaraan
Hindi mo napapansin ang mukhang itong nadungisan
Maano naman kung ika'y lumingon at ako'y tingnan
Nang iyong madama,,ang gusto kong iyong maramdaman

AWÂ mo'y aking hinihingi,,ako'y iyong limusan
Ang puso mo'y aking ramdam,,tao kang may kabutihan
May mga matang hindi nakapikit sa may kahirapan
Maramdaman mong,,ang buhay ko,,ay mayroong kalungkutan 

Palimos !! Palimos ng awâ mong sana'y mabitiwan
Mga kamay ko'y ilalahad,,bùkás,,nang iyong matingnan
Karampot mong barya,,sana naman ako'y maambunan
Pagpapakatao'y gawin,,bawat isa'y  kaawaan

Nasasabik ako,,sana nga tayo ay magmahalan
Ang limos mong AWÂ ay tunay kong pasasalamatan
Aking idadalangin sa DIYOS,,ikaw ay bantayan
Kamtin mo ang biyaya,,ngayon,,magpakailan pa man 

Palimos !! nang tunay na Pag-ibig,,sana'y maasahan
TAO,,may DAMDAMIN,,may PUSÔ,,may KALOOBAN
Sa bawat nilalang dapat ay palaging iparamdam
Ang DIYOS ang bahala,,SIYA ang laging MAGBABANTAY !!!

Zoraya
Pilar,,Sorsogon
Philippines
Dec.8,,2021
9:11 p.m.

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH