PANGARAP

Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon

Ang gandang tingnan ang mga bituin
Tulad ng pangarap na hindi kayang abutin
Nanatili na lang sa ating paningin
Ang kumukutitap na luningning

Pangarap minsa'y palaging nabibigo
Kahit anong gawin,,pagod na todo
Kung walang pangtustos,,tiyak sigurado
Hindi kayang makamtan anumang gusto

Sa pangarap na tunay na naunsyami
Hahayaan ko na lang na aliwin ang sarili
Maging mapagpasalamat at ako'y kinandili
Sa mga biyayang bigay ng DIYOS na walang atubili.

December 8, 2021
Tula Tugon sa Dream On

Source: Self-Publishing x Movement

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay