PERA O ASAWA?

Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon

PERA O ASAWA ???

Sa panahon ngayon,,may katanungan 
Alin ba ang mahalaga,,pera o asawa
Kung pakakaisipin,,pipiliin ang pera
Ang pera minsan,,ay tunay na kailangan

Sa mundong ibabaw,,uso'y pita ng laman
Marami ang gustong ito'y kasadlakan
Hindi alintana ang sasabihin ng iba
Ang nasa isipan ay ang munting ligaya

Asawa'y pipiliin kung mayroong dahilan
Lalo ang pag-uusapan ay karangalan
Kapuri-puri ang mayroong katapatan
Sa mag-asawang lubos na nag-iibigan

Pera ang kapalit nang mga panghihina
Sa nawalan ng tiwala sa kanilang asawa
Nagpalalo't nagtaksil umibig nang iba
Kaya ang Dangal,,ang kapalit ay pera

Pera!!Asawa!!Pera,,parehong mahalaga
Pera ay madaling gastusin at nawawala
Asawang mabuti at mapagkakatiwalaan
Walang makakapalit anumang YAMAN

Zoraya
Pilar,Sorsogon
Philippines
Dec.7,,2021
10:17 p.m.


Tula Tugon ni Flor Dayao

Sa ngayon,matalino na ang mga kababaihan...
Nag iisip ng magandang buhay
Magtatrabaho ng walang humpay..

Kung mag- aasawa
Mas mainam na yung may pera ...
Pag may dumating na problema
Hindi nganga sa gilid ng kalsada..

Karamihan sa nag asawa,
Pera ang pinag- aawayan..
Na napupunta sa paghihiwalayan,
Pera!!! Pera!!! ang dahilan.

Kaya kung ako ang sasagot.....
Pera muna para may pantustos.
Mahirap kayang mamalimos,
Sa mga kamag- anak ding kapos..

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay