BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-ASA

January 8, 2022

 


BAGONG UMAGA, BAGONG PAG-ASA

-Ni Erica Francis Toquiro

Sa mapagbirong laro ng tadhanang kay lupit,
Animo'y latay ng latigo ang hagupit,
Hagupit ng kabiguang nagdulot ng matinding pasakit,
At kahit katiting na pag-asa'y hindi ko masilip.

Nangangapa sa dilim pusong naparam,
Tila basang sisiw na walang masilungan,
Pagkandiling ninanais ko ay nasaan?
Ako ba'y makasalanan kaya pinagkakaitan?

Sa dinaranas na pighati'y 'di matapos yaring kalungkutan,
Pag-agos ng luha'y hindi matuldukan,
Anu pa bang halaga kung ang kaligayaha'y 'di masumpungan?
Nararapat na bang buhay ko ay wakasan?

Ngunit sa karimlang kinalulugmuka'y liwanag ang natanaw,
Luhaan kong mga mata'y dagling nasilaw,
Nabuksan ang isipan, tibay ng loob ay nangingibaw,
At ang kahinaang umaalipi'y bigla nang natunaw.

Muling nagbalik siglang dagling naglaho,
Pananampalataya sa Panginoon nag-alab sa puso,
Tapos na ang unos na sa katatagan ko ay gumupo,
Kumakaway bagong umagang pag-asa ang pangako.

Inilapat ni: Khyle Chelsey Khyle Chelsey Fe-Yna CarinoKhyle Chelsey Fe-Yna CarinoKhyle Chelsey Fe-Yna Carino Carino

# BatangKartero

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH