Bio Tula: MUTYA Ng SAN JUAN

Tula ni Erika



Erica Francis N.Toquiro ang tunay kong pangalan,
Sa malaparaisong isla ng Alabat ako ay isinilang,
Panganay sa tatlong magkakapatid, labing anim na taong gulang,
Ngayo'y sa Brgy.Tabid naninirahan si Ecai ang Mutya Ng San Juan,

Wangis ko'y ligaw na rosas doon sa kaparangan,
Namumukadkad sa init man ng tigang na lupa'y darang!
Sumasayaw sa ihip ng hangin habagat man o amihan,
Ngunit kapara'y damong makahiya tumitiklop kung masaling at magdamdam,

Sa edad na labing lima natutunan kong maglaro ng mga letra,
Ang hilig kong tumugma akala ko'y kawerduhan noong una,
Haggang ang talinhaga sa tula ay ganap kong makilala,
Umusbong ang pag-ibig sa hinabing mga obra,

At ngayo'y heto ako si Erica a.k.a Frandres Irean,
Sa mga patimpalak hinahasa ang pluma kong tangan,
Ang nais ko'y hindi mga sertipiko lamang,
Sa pagsulat ibig kong mapalawak at malinang ang angkin kong kakayahan.

January 6, 2022
FPB

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay