CHERRIE: ANG BABAENG MADALAS MAPAGKAMALAN

Ni Cherrie Facun Dancel

#NCMTU_AT_FPB



CHERRIE: ANG BABAENG MADALAS MAPAGKAMALAN

Cherrie Facun Dancel ang buo kong pangalan.
Ipinanganak sa isang baryo na bundok ang kapaligiran.
Mas kilala sa palayaw na Cheryl na tunay ko sanang pangalan,
Ngunit nagkamali sa pagpaparehistro ang midwife na nagpasilang.

Madalas akong mapagkamalang ina ng mga batang inaalagaan.
Mga pamangkin at anak ng mga pamangkin sa aking mga pinsan.
Bukod sa ako'y tagapag-alaga, tinuturuan ko rin sila ng ABAKADA.
Proud ako dahil lumaki silang matalino at magalang sa kapuwa.

Madalas akong mapagkamalang masungit dahil hindi ako palaimik.
Hindi ako mahilig sumama sa mga lakad para gumimik.
Mas gusto kong manatili sa bahay habang nagkocross stitch.
Magtanim ng iba't ibang halaman at mga orchids.

Madalas din akong mapagkamalang isang kabataan.
Dahil mukha daw akong bata at hindi katangkaran.
Ang totoo ako'y isinilang limang dekada na ang nakaraan.
Hindi lang halata dahil nakababata ang pagiging masayahin kong nilalang.

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay