DIYOS ang GABAY

Tula Ni Rebecca Tarog Adjie Canon

Maraming unos na ang dumaan sa buong buhay ko
Halos hindi mabatá ng katawang naghihingalo
Ako'y nagtatanong, ganito ba ang palad ko ?
Ang bawat pintig ba ng puso ko'y siphayo?

Mga pagsubok at paghihirap ay mula pa nang isilang
Lumaking salat halos sa lahat ng mga bagay
Nanggaling sa mga mahihirap na magulang 
Ngunit may tanging kayamanan, ang aming dangal

Anumang kahirapan palaging nananampalataya
DIYOS ang may gusto ito'y mga pagsubok NIYA
Kailangan sa TAO ang TAPANG ng bawat isa
Nang malaman NIYA ang mga marunong bumatá

Anumang kahirapa'y may katumbas na ligaya
Ang bukas na darating ang kakamtin ay sagana
Ang daang matinik at madilim ay liliwanag talaga
Ito ang KANYANG pangako, ITATAAS kita !!

Bagyo ma'y dumaan, bahaghari ay lilitaw
Ito'y tanda ng liwanag na aking makakamtan
Ang gawang kabutihan ay gagantimpalaan
Ang MASAGANANG buhay ang kapalit ng KAHIRAPAN

Zoraya
Pilar,Sorsogon
Philippines
February 27, 2022

OAP#4 Poetry Challenge
Theme...Sa Likod ng ulap ay may liwanag

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay