Gabing kabilugan ng buwan....

Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon




 
   Ika'y liwanag ng kalangitan sa gabing tahimik , nagsisilbing inspirasyon ng mga tao sa daigdig , bigay mo ay ligaya na walang sukat at kapalit , ohh buwan sakbibi ka ng mga hiwaga ng pag-ibig

     Pag-ibig nadarama ng sangkatauhan sa mundo, walang kasing ganda tunay itong hindi mapaglilo, katulad mo Buwan sa itaas ng kalangitan, liwanag hindi kumukupas magpa kaylanman pa man

     Kabilugan ng buwan nagkakasayahan ang lahat, mga binata't dalaga namamasyal lahat sa parang, walang mapagsidlan ang kanilang katuwaang ramdam,  ganyan ang ligayang nararamdaman na walang sukat

     Magandang panaginip ang kanyang ipapahiwatig, sa natutulog na magkasuyo at nagmamahalan, buwan ang sinag na bigay mo ay inspirasyon ng isipan, kabilugan ng buwan, bigay' ligaya sa umiibig

Buwan, huwag mong ipagkakait yaring ganda't liwanag, lalo na sa mga desperadong binata't dilag, ikaw din ang kaligayahan ng mga taong salát, bigyan sila ng kaligayahan at habag

Zoraya
Makatang baliw
Pilar,,Sorsogon
Philippines

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay