MAHALIN NATIN ANG PILIPINAS

By Rado Gatchalian



MAHALIN NATIN ANG PILIPINAS
ni Rado Gatchalian

Kung ang panahon ma’y nagpapaalam
At nais lisanin ang lupang iyong sabsaban;
Hinahanap mo ang ginto’t pilak
Sa banyagang lupang pinapangarap.
Subalit may pakiusap ang Inang Bayan
Sa iyong paglisang humihingi ng patawad,
Ikaw man ay mawalay sa bayang luntian
At doon sa malayong lugar ay bubuuin ang yaman:
Huwag mong kalimutan ang bayang pinagmulan,
Mahalin mo ang Pilipinas, ating Pinakamamahal.
At kung ang iyong kaluluwa’y naliligaw
Sa isang paglalakbay na walang liwanag —
Subukan mong yakaping muli ang Araw
At ang Tatlong Bituing nagniningning sa kalawakan;
Hawakan mo ang nag-iisang sinumpaang pag-ibig
At kahit nasaan man nasa puso mo ang Bayang Magiliw.

(Photography by: Marjune Provido. Maraming salamat! Taken at Canberra, capital of Australia, 19 February 2022)

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH