BABAE

Tula Ni Frandres Irean



HAPPY INTERNATIONAL WOMEN'S DAY sa dalawang MOTHER EAGLE ng aking puso sa mundo ng mga letra💙

BABAE

Hinugot, hinulma mula sa tadyang ni Adan,
Dinadambana ng eskultor at ng pintor, musikero'y inaawitan,
Nililiyag ng mga makata pinapaksa ng mga tula at inaalayan,
Itinuturing na reyna at prinsesa sa munting kaharian,

Karamay sa hirap at ginhawa ilaw ng tahanan,
Kapara ng kristal iniingatang hindi malalamatan,
Dalisay ang pag-ibig hindi mapapantayan,
Alang-alang sa minamahal handang magtiis 'di matatawaran.

#InternationalWomensDay
#FilipinoPoetsinBlossoms
#March8,2022

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay