ODA Sa Bulaklak

Tula ni Jhake Morales

Oda sa bulaklak at kanyang mapusyaw na halina

Ni Jhake morales

Iwagayway mo ang kulay ng bandila
Tangan niyang kulay di hamak na dakila
Kaysa sa tinik ng mapusyaw na adhika
At talulot na hungkag ang ganda.

Ang halamang dinilig ng galit
Mamumunga ng kay pait
Mata'y di mapupukaw anumang 'yong pilit
Tingkad ng kulay dugo'y labis na kaakit-akit.

Muling mamumukadkad ang kadakilaan
Sa timyas na layuning pang bayan
Siyang sumisigaw ng pagkakaisa't pagkakaunawaan
Maririnig ng karamiha't paniniwalaan.

Bulag na ang mata sa huwad na  rikit,
Sa ika nga nila'y malinis, ngunit sa kanila lamang mga suot na damit
Sa tuwid na daan na lumigaw sa bayan
Animo'y manggang  dilaw na hinog  ang labas, maasim naman ang laman.

Bingi na ang taenga sa sigawan
Ng mga tinuran na ANAK DAW NG BAYAN,
mga kunwaring MAKABAYAN
Na ang interes ay pansarili LAMANG.

Kung ang paaralan ang siyang maging punlaan
Ng pakikibaka at pag-aalsa sa bayan
Tagpasin ang damo't ipamulat ang tunay na kalayaan
Kung saan ang dahas ay walang pagsisidlan.

Sa bawat butil ng muhing hinasik sa putikan
Bulukin nawa ng basang lupa ito't  maparam
Sa bawat butil na ang pataba ay lason sa isipan
Walang bunga at tagumpay na aasahan.

Tulad ng puno na tinuturing na INA mo
Na ang dahon ay ligaw na damo
Sa kanyang laylayan  nagpipiyesta ang baboy-ramo
Naghahamok malapa ang bungang hitik  at pino.

Tulad ng rosas na lilitaw ang tingkad ng kagandahan
At sa isang iglap ganda'y mabubulok at mamamaalam.
liban kung ito'y  gawa sa plastik at peke lamang
Gayun pa man ang halimuyak  maglalaho di't  may hangganan.

Tulad ng rosas ang bukas
Pagkabulok ang wakas
Matinik maging ang landas
Bulaklak naiiwan ko sa hukay ng mga talipandas.

P.S para sa akin lang ito. Tumula ka ng para sa iyo.

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH