ROMANTIKONG PANG-AAKIT

Tula ni Novhein Carl Deposa


Romantikong pang-aakit

Masyado na tayong makabago 
kaya nakalilimutan ang makaluma,
Marami na ang pagbabago 
pati sa pag-ibig na kay bilis nalang makuha.

Ni hindi na kailangang sumulat sa papel
para ipahayag ang pagmamahal,
Ni hindi na kailangang magsibak ng kahoy—sa magulang magtanghal.
 
Bihira na rin ang lalaking pupunta sa tahanan ng babae habang may bitbit na gitara,
Hindi na kumakatok sa pintuan ngunit nag-aabang nalang sa bintana—
Kukuskusin ang instrumento’t mag-uumpisa na sa panghaharana,
Aakitin ang babae gamit ang kantang nagsasabing “Binibini, mahal kita.”

Aawit nang naka-iibig at mapang-akit na kanta,
Yaong animo’y kukuhanin ang ibig ng Binibining kay ganda,
Wala na gaanong ganyang nangyayari at tanging naririnig na lamang sa kuwento ng matatanda—
Wala nang nanghaharanang binata para makuha ang ninanais nilang Maria Clara.


—🐥💚
cttro sa larawan.

Source: FPB/FB

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH