SINIGANG

Tula ni Jepoy

Sinigang
jepoy


Sinigang na tinimpla,
Init nagpapalasa.
Bawat higop ay saya,
Sabik kita sa mata.

Asim nakakikilig,
Pamawi sa ligalig.
Malagkit na pagtitig,
Pag-alab pumipintig.

Ngunit anong nangyari?
Luto'y di na mawari.
Nawala, nagkunwari
Ibalik na sa dati.

Sinigang walang init,
Asim na naiwaglit.
Ibalik nang may pilit,
Sikmurang sumasakit.

Labing iniwang tuyo
Sa sinigang na yelo.
Naghihintay sa iyo
Upang muling magluto.

© Jeffrey Cejero
Hapag Natin at Marami pang iba

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay