Tula Ni Frandres Irean
KUNG DISIN SANA
Kung ang mga tula ko lamang ay isang MAHIKA,
Napawi ko na sana dusang tinatamasa,
Kung ang mga tula ko lamang ay isang LAMPARA,
Madilim na landas tinanglawan ko na sana,
Kung ang tula ko lamang ay bungkos ng PAG-ASA,
Ididilig ko sa lupa isang dakot na LIGAYA,
Kung ang mga tula ko lamang ay kumpol ng SAYA,
Sa labing humihikbi NGITI'Y aking ipipinta.
Kung ang mga tula ko lamang ay isang TULAY,
Paglalapitin ko mga damdaming pinaglayo ng AWAY.
Kung ang mga tula ko lamang ay isang KAMAY,
Hahaplusin at papayapain puso mong may LUMBAY.
Kung ang mga tula ko lamang ay isang KUMOT,
Babalutin ko ang sa lamig ay NAMAMALUKTOT,
Irean Frandres
Apo Makata
_____________________________________
PINAGPALA.....
Ang iyong tula ay tunay.
Nakakapawi ng lumbay.
Mayroong saysay.
Nagbibigay ng patnubay.
Aanhin mo ang tulang hindi galing sa puso.
Kung lalo lamang titindi ang iyong siphayo.
Tula mong kapag pinakinggan.
Parang tulang galing sa kalangitan.
Ipagpatuloy mo ang pagbibigay ng tulang may pangako.
Upang mga kalungkutan namin ay tuluyang maglaho.
Pinagpala ang kaisipan mong gumigising ng diwa.
Sa mga pusong sawi at kawawa malaking biyaya.
Para sa iyo apo.
Magtiwala ka sa kaya mo.
Bata ka pa at may mararating.
Tunay na sa pagtula isa kang magaling.
Napoleon Torres lll
Lolo Makata
@ Reserbadong karapatan.
Kolaborasyon sa tula.
πππππππ
KATUTUBONG AETA
Ni Erica Francis Toquiro
Nabubuhay sa makalumang panahon,
Ngunit malaki ang ambag sa bagong henerasyon.
Naninirahan sa mga bundok, malayo sa sibilisasyon
Ngunit may aking kaalaman at dunong.
Mga katutubong Aeta kung sila ay tawagin,
Sila'y mabubuting tao, malinis ang hangarin.
Dapat igalang kulay man ay itim
Purong Pilipino, dapat mahalin.
Kulot ang kanilang buhok matiim kong tumitig,
Sila'y namumuhay ng mapayapa at masigasig.
Mga katutubo nilang gawi kahahanga't nakabibilib,
Mahusay magpahalaga sa likas na yaman ng daigdig.
Buhay man nila ay salat sa karangyaan,
Simple ma't kulang sa mga bagong kagamitan.
Kalikasa'y sapat na para ituring na kayamanan,
Sila'y mga ninuno nating malaki ang bahagi sa lipunan.
Inilapat ni: Khyle Chelsey Khyle Chelsey Fe-Yna CarinoKhyle Chelsey Fe-Yna CarinoKhyle Chelsey Fe-Yna Carino CariΓ±o
#BatangKartero