ALAMAT NG BUWAN
Tula ni Jeffrey Cejero
Alamat ng Buwan
ni jepoy
Noong unang panahon, di nagdidilim ang kalangitan
Umaga, hapon o gabi, liwanag ay di sapawan
Araw, Buwan at mga Bituin, masayang kalangitan
Taglay na liwanag, di kinaiinggitan
Ang Araw kanya ang umaga’t hapon
Sa gabi, ang Buwan naman ang mayroon
Mga Bituin, kahit anong oras sila paroon
Mga pangarap, kayang abutin ng mga ibon
Ngunit di nakuntento ang Buwan
Sa taglay nitong kagandahan
Nais niya lagi siyang tinitingala ng sanlibutan
Kaya ang pagpapakitang-sikat kanyang sinimulan
Sa gabi, mga Bituin ay di niya pinagbigyan
Siya lang nagliwanag sa buong kalangitan
Kaya ang mga maliliit na mga Bituin, nag-iyakan
Sa masamang ugali ng pasikat na Buwan
Sa umaga’t hapon, araw naman ang hinamon
Sigaw ng Buwan sa Araw, “Liwanag ko’y di malalamon.
Ako’y tinitingala! Di tulad mo, isa lamang ambon.”
Nagkagulo ang panahon, naging masungit ang alon.
Doon sa kalangitan, batid ng Kataas-taasan ang kaganapan
Sa isa niyang kumpas, liwanag ng Buwan napunta sa kawalan
Tinipon mga bituin para sa gabi manirahan
Samantala ang Buwan, itinakdang walang tirahan
Kaya kahit umaga o hapon, nakikita pa rin ang Buwan
Habang liwanag ng Araw kanyang pinagmamasdan.
Isinumpang hihiram ng liwanag sa Araw magpakailanman
At may gabing, ang Buwan ay walang pagsisikatan
#WalangSapawanNgLiwanagSigeKaMatuladKaSaBuwan
Pic from net