MGA UNANG YAKAP

Tula ni MC Lacdao



Ang Unang Yakap

Sa matagal na panahon
Akong naghahanap naghihintay
Mga sandaling tila nakikilakbay
Sa damdaming napapagal.

Nangangarap na ikaw muling magbalik
Magpakita madama kahit man 'sang saglit.

Napadpad mga paa 
sa 'di kalayuang kasayahan
Nakigulo nakisayaw
Sa pag-aakalang
Nariyan ka lamang.

Bakit may naramdaman
Tila uminit aking pakiramdam
May naamoy aking mga balat
Sa di namang di kilalang nararamdaman.

At may naramdamang
Humawak sa aking beywang
Hinawi aking buhok
At bumungad sa aking mukha

Ngunit bago ko pa 
maidilat aking mga mata
Nakalapat na ang iyong labi
Sa labing kong
Iyo nang nahalikan.

Di ko na nakuhang dumilat
Mata'y lalu pang pinagdiinan
Upang damhin ang init na nararamdaman...

Ng halik na sa labi kong sumisipsip ng alindog ko
Yakap na mahigpit
Mga brasong malupit
Na sa aki'y nakapilipit.

Nang idilat ko aking mga mata
Para kang bula na nawala
Hinanap ang iyong pabangong
Yun nalang ang sa akin ay naiwan.

Ipinikit na muli mga mata
Nang sa takot ay huwag ka munang lumisan
Upang damhin pa ng ilang saglit
Ang tila unang yakap kong 
di mawawaglit.

MCLacdao
6:00am
26. April 2022

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay