BANGIS AT BAGWIS
Tula ni Frandres Irean
BANGIS AT BAGWIS
Pinipilit pabagsakin, pinipilit durugin,
Ngunit nanatiling kalmado pagganti'y wala sa hangarin,
Puno man ng balakid sa bawat daang tatawirin,
Tuloy lang sa paghakbang patungo sa magandang layunin!
Pinukol man ng mga masasakit na salita,
Na kahit asong ulol ay hindi masisikmura,
Kinulapol man ng mga bintang at paninira,
Lalong tumibay lumamang ang mga nagtiwala,
At ngayo'y papagaspas na ang bangis ng tigreng pula,
Taglay ang bagwis ng berdeng agila,
Sa pagkampay sasalukin ang bagong pag-asa,
Kapara ng pamumukadkad ng rosas sa umaga!