KUNG MAHAL MO ANG BAYANG ITO

Hango sa panulat ni Duoi Ampilan
Mahal Mo Ba Ang Bayan Mo?
May 12, 2022





Kahit sino pa ang nanalong mga namumuno, kung totoong may malasakit ka sa bayan mo ay hindi mo iisipin at gagawin ang mga bagay na ikasisira ng bayan mo.

Kung totoo kang nagmamahal sa bayan mo ay hindi mo pag-iisipan ng masama ang iyong pamahalaan at namumuno nito.

....sapagkat kung masisira at malulugmok ang bayan mo ay lahat tayo ay apektado at magdusa.

Kahit hindi mo kandidato ang nanalo ay mahalin mo ang bayan mo dahil kung uunlad ito ay tayo rin ang makikinabang.

Mahal mo ba ang bayan mo?


Leah C Dancel:
Ang PULA ay sagisag ng nag-aalab na PUSO sa pagmamahal ng Inang Bayan.

Ito ang kulay ng danak ng DUGO ng ating magiting na mga bayani noong binuwis nila ang kanilang buhay upang ating makamit ang  KALAYAAN sa kamay ng mapag-imbot na mga banyagang mananalakay.

Napoleon Torres III:
Pagmamahal sa bayan kakambal ng buhay.
Ang bawat isa ay dapat nakaalalay.
Pagsunod sa mga batas ang siyang magpapatunay.
Sa Pilipinas ay may halaga ang buhay.
Samasama sa kaunlaran at tagumpay.
Katapatan sa bayan ay ating ialay.
Pagkakapit bisig ay magbibigay ng saysay.
Sa darating na kinabukasan bayan ay magtatagumpay.

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay