Sumuko na Kayo

Tula ni Napoleon Torres III


"Sumuko na Kayo" 

Niyurakan ang iyong pangalan.
Pinagbitangan ka nang kung anoanong mga kasalanan.
Kanilang mga paratang ay iyo lamang hinayaan.
Dahil ikaw BBM ay isang taong likas ang kabaitan. 

Sa kanilang mga paninira sa iyo tao ay nagsawa.
Silang mga nagparatang ang lumabas na masama.
Sa mga bintang na kanilang mga ginawa.
Sila ang sa mga tao ay nasira. 

Sa mga surveys ikaw ang nanguna.
Sa mga kalaban mo ito ay walang kwenta.
Hayan ngayon at natapos ang halalan na.
Sa laki ng iyong lamang lumuwa ang kanilang mga mata. 

Sadyang sakim sa kapangyarihan ang iyong kalaban.
Ayaw tanggapin na siya ay talunan at sa pamumuno ikaw ay hayaan.
Umpisa pa lang daw ang kanilang laban.
Hindi kaya ang ginagawa nila ay mauwi sa kaguluhan? 

BBM malapit ka nang sa Malacañang ay umupo.
Nawa ay matupad mo ang iyong mga pangako.
Sa pagkakaisa sa bansa nawa mga pangamba ay maglaho.
Ang mga plataporma mo ay ituloy huwag isuko. 

Tiniis mo ang lahat nang pangaalipusta.
Nanatili kang tahimik hindi umalma.
Minahal ka ng masa dahil sa iyong pagkamaginoo at kabaitan na sa iyo ay nakita.
Kaya sa iyong kandidatura ay inihalal ka nila. 

Ngayon ay ikaw na ang Pangulo.
Inihayag na ng 31 milyong pilipino ang suporta at boto sa iyo.
Ito lang ang aming masasabi sa mga natalo.
Itigil na ang ingay "Sumuko na Kayo!" 

Lolo Makata.

Napoleon Torres lll
05182022
@ Reserbado ang lahat ng karapatan.
Paskil: sariling pahina
Larawan : Google
Ferdinand Romualdez Marcos 17th. President of the Philippines.

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay