MINSAN
Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon
MINSAN .....
Minsan ang buhay ay nakakabagot
Walang ibang magawa
kumain at matulog
matapos mabusog
MINSAN ....
Minsan ang tao ay palaging masaya
Bakit may kalungkutan pa
Pwedeng bang Ligaya
katawang Pagod na
MINSAN .....
Minsan ang buhay ay mahiwaga
Hindi ito matarok ng isipan
DIYOS lang nakakaalam
Gawa ang sanlibutan
MINSAN .....
Minsan tao ay magmuni-muni
Kilatisin ang kanyang sarili
Sa buhay ba ay aabante
Kung lahat Pighati
MINSAN .....
Minsan ay iisipin din naman
Pagsubok talagang daratal
Ganyan ang ating buhay
Sa mundong ibabaw
Zoraya
Pilar,,Sorsogon
Philippines
June 25,,2019
4:26 a.m.