UGALI NG TAO
Tula ni Rebecca Tarog Adjie Canon
Ugali ng Tao
Ugali ng tao'y nakikita sa salita't gawâ
Sabihin mang siya'y magaling at maunawâ
Sa kanyang kilos malalaman ang saloobin
Kilos ng mga mata malalaman ang damdamin
Tao'y makikilala sa mga salitang ginagamit
Lalo't makikilala rin sa kanyang pananamit
Sa kilos na magaslaw malalamang tunay
Ang nasa loob ng isipan ang mga bagay
Sa pakikiharap sa tao'y malalaman ang totoo
Kung kaharap mo'y may ugaling may modo
Makikita sa kanyang kilos kung balat-kayo
Siya ung taong dapat iwasang makihalubilo
Ugaling makatarungan ay walang pinipili
Anumang klaseng tao at hindi man kauri
Pakisamahan nang naaayon sa antas na ari
Mahirap man o mayaman dapat ikandili
Ang matalino ay wala sa mataas na aral
Ang Edukasyon ay halimbawang nagpapagal
Nagpapagal upang makamtan ang tagumpay
Mabuting ugali ang puhunang dapat ibigay
Sa tagumpay na nakamit ikaw ay lumingon
Sa daang dinaanan na matinik ika'y umahon
Mga taong nagsilbing maging inspirasyon
Mamahalin at purihin maging ang Panginoon
Ang bukas ay hindi natin hawak kahit panahon
Paghandaan lagi't isipin ang mga pagkakataon
Pagkakataon na nakahandang laging tanggapin
Ang oras nang walang BABALA na darating
BABALA na SIYA ang tunay na nakakaalam
ORAS ng trumpeta at angel ay nag-aawitan
Sa alapaap doon ay makikitang may himala
Darating kasama ang ating Mahal na BATHALA
BATHALA na may dalang KAPANGYARIHAN
Magpipili ng KANYAng mga HINIRANG
Ang mga TUPA at KAMBING ay ibubukod
Ang mapalad ay ang mabubuting lubos
TARA NA !!! TARA NA !! SAMA-SAMA tayo
Paggawa nang MABUTI ay talagang sigurado
MAHALIN ang KAPWA,,KAUTUSAN NIYA ito
Sama-sama ang lahat sa BAYANG PARAISO
Zoraya
Pilar,Sorsogon
Philippines
June 26,,2022
8::56 a m.