BUTIL
Kwento Ni Duoi Ampilan July 3, 2022 BUTIL Pagtilaok ng manok sa pagputok ng bukang-liwayway ay gising na si Bapa Abas. Halos hindi natulog ang matanda. Malalim ang iniisip at halatang may dinaramdam. Malungkot ang matanda dahil sa araw na iyon ay lilisan ang panganay na anak, si Musa. Si Musa ay panganay sa anim na magkakapatid at katatapos lang ng kanyang pag-aaral sa kursong Business Administration. Ang dalawang nakababatang kapatid ni Musa ay katuwang ng ama sa bukid. Dalawa ang nag-aaral sa elementarya at isa ay musmos pa. Ang dalawang katuwang ng matanda sa bukid ay hindi na nag-aaral dahil kailangang tumulong sa paghahanap-buhay para sa pangangailangan ng pamilya at pag-aaral ng mga kapatid. Si Musa ay lilisan upang hanapin ang kapalaran sa kalunsuran. Tatalikuran nya ang lupang nagpaaral sa kanya. Hihiwalay na sa kanyang pamilya. Masakit man sa kalooban ng matanda na lilisan ang anak ay walang magagawa. Aasa na lang na maging matagumpay si Musa. Pagyayamanin ng ...