Dalagang Filipina

Tula ni Rebecca Adjie Tarog Canon



Dalagang Filipina

Dalagang kayumanggi ang kanyang tatak
Mahaba ang buhok at siya'y matangkad
Mahinhin kumilos may pusong busilak
kanyang ipinagmamalaki at itinatanyag

Lampas tuhod ang damit na nakasuot 
Natatakpan ang katawan balot na balot
Ang mahabang buhok laging nakapusod
Wow na wow tingnan kung nakatalikod

Dalagang Filipina may puri at dangal
Ipinaglalalaban ito kahit saan at kailan
Hindi into isusuko maging kamatayan
Maging kapalit nito kaparusahan pa man

Dalagang Filipina kung may mangingibig
Kahit may gusto tinatago niyang pilit
Bawal ang dampi o kahit isang halik
Hanggang hindi natatalian ng papeles

Dalagang Filipina palaging nasa bahay
Hindi gumagala kahit saang pasyalan
Kung mayroong lakad alam ng magulang
May respeto siya sa lahat lalo katandaan

Zoraya
Pilar,Sorsogon
Philippines

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay