MARAHIL BUKAS AY MAGKIKITA TAYONG MULI

Lifted from FB


MARAHIL BUKAS AY MAGKIKITA TAYONG MULI
ni Rado Gatchalian

Hinahanap ko ang tinig
mo sa lumang bintana,
at maging sa pudpod 
mong sapatos na naiwan
kahapon;

Sa iyong liham 
na nakaipit sa mga pahina
ng librong nakatago
sa ilalim ng kamang
sumisigaw tuwing gabi.

Kung kalabisan mang
humiling pang muli,
ang makita ka bukas ng umaga,
at marinig ang iyong bulong
na yumayakap sa aking pisngi,

Makikiusap sa diwatang
pakinggan ang siphayo
ng makatang walang kapiling

Maliban ang lamig na kumukurot,

Hindi lamang sa laman,
kundi sa pusong nagsusumamong

Makita, makita kang muli.

Hindi ko batid kung sa iyong paglayo’y
kusa ka ring babalik
sa aking panaginip 
na ang hinahanap…

Ay hindi lamang ang iyong tinig,
subalit higit sa lahat ay ang iyong labi.

Marahil bukas,
bukas ay magkikita tayong muli.

#MarahilBukasAyMagkikitaTayongMuli



Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay