KAPIT LANG

Ni Duoi Ampilan
31 May 2023



Habang tayo ay may hininga, walang patid sa pagkislap ang pag-asa.

May mga pagkakataon na tayo ay sawing-sawi pero dinig lahat ng Langit ang bawat hikbi at panalangin.

Kung hindi man ngayon, baka bukas ay oras natin upang malampasan ang mga hamon at magtagumpay sa mga hangarin.

Hindi nasusukat sa mga kayamanang tinag ang tagumpay at ligaya. 

Sa iyong busilak na puso, sa iyong pagpapagal at mahigpit na kapit sa iyong Pananampalataya, hindi malayo na darating din ang inaasam na ligaya at tagumpay.

Mananatili tayong nakayapak sa lupa at nakatingala sa langit.

KAPIT LANG

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay