TAO KA RIN

Tula ni Merlinda Rigua Dancel
(Inspirational)
23 May 2023


Kapag pagod kana,
Magpahinga ka muna,
Huminga ka nang malalim,
Isantabi mo muna ang mga gawain. 

Kapag mabigat na,
Ibaba mo muna,
Hayaan mong ang iyong sarili'y makaramdam ng gaan,
Tandaan mong hindi ka nakikipag-unahan. 

Kapag gustong tumulo ng iyong luha,
Hayaan mong kumawala,
Makakatulong ito upang madiligan ang natutuyo mong mukha,
Dahil sa init na hatid ng samo't saring problema

Kapag ayaw ng katawan,
Huwag na sanang pilitin, pupwede namang subukan kinabukasan. 
Kailangan rin nito makaipon ng panibagong lakas,
Dahil mahaba-haba pa ang babagtasing landas.

Tandaang mong may limitasyon ka.
Katulad ng makina, nauubusan ka rin ng gasolina,
Nasisiraan, nagkakaroon ng aberya,
Nauubusan ng baterya. 

Tao ka rin, 'wag mong sagarin.
Hindi masamang magpahinga.
Hindi masamang huminga.
Hindi masamang lumuha.

ساره... ✍️

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay