HINGA
Tula ni Stefanie Dancel
"Hinga"
Kawangis ng buwan 
Nais ko ring matakpan 
Itong nararamdaman 
Kahit alam kong panandalian
Sa mga sandaling ito
Na maaring huminto 
Sa magulong mundo 
At sa pagod na puso
Nawa'y ako'y sakluban
At yakapin sa kanlungan 
Nang walang pag aalinlangan 
At may katahimikan. 
®Stefanie Dancel • 11:57pm | 06.06.23 | Jerusalem City, Israel
Comment
Magpahinga at huwag hihinto.
Pawiin ang pagod, mag-isip ng matino. 
Ang buhay ay tuloy sa paggulong nito. 
Harapin nang may pag-asa sa puso.
© Cherrie Facun Dancel 
7 June 2023
