PAG-IBIG, HIMIG

Tula ni Leah C Dancel


PAG-IBIG, HIMIG

Tula at musika
Pinag-isa sa dambana ng
Pag-ibig, Himig.
Himig at tunog
Pinagtugma din sa Tula
Sa indayog ng tugtog ng gitara, 
Cello at piano.
Ang malamyos na tinig
Ni Rene ay pumaimbulog
Sa kasaysayang kanyang minimithi
Kasaysayan ng kanyang pag-ibig
Na itinugon naman ni Rado
Sa kanyang walang kupas
Na pagmamahal sa Inang Bayan.
Tula at Musika
Himig at Tinig
Tunog at Tugtog
Pinagbigkis sa iisang indayog
Ng katapatan at kagitingan.
Kami ang mga saksi sa 
Pusong tumitibok
Nagmamahal na walang katapusan.
Pag-ibig, Himig.

©Leah C Dancel
Copyright ©4 June 2023
All rights reserved
SH-AUSTRALIA 

Photo courtesy by Rado Gatchalian

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

VACCINES OF DEATH

Bakit Nakatungó Ang Uhay Ng Palay