SA KABUKIRAN

Akda ni Duoi Ampilan
2 June 2023
(Yemen)



SA KABUKIRAN

Malamig ang simoy ng hangin. Musika ang tunog ng kalikasan. Sariwa ang gulay, prutas at isda.

Payak ang pamumuhay subalit mayaman sa ligaya ang puso ng tagabukid. Mababaw ang kaligahayan. Maski tinapay at biskwit na pasalubong mula sa kabayanan at lungsod ay isang pagdiriwang na.

May malasakit ang bawat isa. Bawat balita ay nalalaman ng buong nayon. Buhay na buhay ang pagtutulungan at damayan. 

Sa paglubog ng araw ay binabalot ng pansamantalang kadiliman ang paligid. Ang buwan ay nagiging tanglaw sa mapayapang gabi.

Ang damdamin ay idinuduyan sa saliw ng lawiswis ng dahon at tunog ng mga kulisap. 

Sa pagputok ng bukang-liwayway ay gumigising ang katawang lupa sa tilaok ng manok at huni ng ibon.

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH