SUSUKO RIN ANG BUWAN
Tula ni Rado Gatchalian SUSUKO RIN ANG BUWAN ni Rado Gatchalian Buwan, sungkutin mo ang puso ko kahit malayo. At kung abot man, pahiram ng isang gabi para magkapiling sa buong magdamag. At kung magtatago sa likod ng mga ulap, hihintayin kita hanggang pagsikat ng araw at hahandugan ng bulaklak mula sa aking hardin. Kung ako ma’y isang abang mangingibig, alipinin mo ako hanggang ika’y sumuko sa aking yakap na walang kapaguran. Ihahandog ko hindi lamang ang aking pangarap, ibibigay ko ang lahat-lahat, kahit di ko kayang abutin ang langit, ibibigay ko dito sa mundo ang paraisong tanging magbibigay sa iyo ng supling. Abutin mo, hanggang ika’y sumuko, at bumitaw. Ang May Akda