ADLAW SA GARAY: TULAMBIT

Ni Leah Dancel 
17 November 2023

Moambit ko ani nga higayon 
Agig tubag sa hagit ni Rado Gatchalian 
Aron pagbatbat sa akong balak binisaya 
Nga taga-bukid ra ang makatukib
Salabtonon sa ilang pulong linitokan.

Akong awhagon ang akong mga kaigsoonan
Tabangi ko nga ako ning mahuptan
Tahas nga wa gyud nako palandonga 
Sa entablado ang hagit nagpa abot 
Panghinauton ko lang nga di ko mosipyat
Ginoong LUDABI palihog igasa kanako 
Ang imong paggiya ug lantipa ang akong 
Kinaadman pagsagubang ani nga 
Adlaw sa paggaray...

©️ Leah C Dancel 
17 November 2023




PUBLIC ANNOUNCEMENT & INVITATION
“TULAMBIT” 2023 (2nd Year) – Pagbasa at Pagsambit ng Tula Competition
* Kasama sa taong ito ang ibang lengguahe at diyalekto ng Pilipinas
 
Bilang pagbunyi at pagtangkilik sa ating Sariling Wika tayo ay magkakaroon ng PALIGSAHAN SA PAGBASA NG TULA. Sa taong ito ating bibigyan din ng pagkakataon na isali ang ibang lengguahe o dialekto ng Pilipinas. Batid kong isang hamon ito sa Hukom subalit naniniwala ako gaya ng unibersal na musika – hindi man natin naiintindihan ang liriko o tempo ay atin pa ring mararamdaman ang ganda at halina ng musika. Ganun din sa Tula at pagbasa ng Tula. Ang Tula rin ay parang isang musika.
 
Narito ang pamantayan at mechanics sa proyektong ito na gaganapin sa PHILIPPINE CHRISTMAS FESTIVAL 2023 handog ng Philippine Community Council of New South Wales (PCCNSW).
 
“TULAMBIT” – Pagbasa at Pagsambit ng Tula Competition (Tampok ang iba’t ibang lengguahe at diyalekto ng Pilipinas)
Date: 26 November 2023, Sunday
Time of Competition: 12:30PM (Assembly – 12 noon) (Duration 12 NN – 2PM, estimate)
Venue: Blacktown Showground, Richmond Road, Blacktown NSW 2148
 
Ang sumusunod na pamantayan ay pagsusumikap na gawin ang paligsahan na ito sa pinakamadali at maayos na pamamaraan upang sa araw na iyon ay maging “smooth and stress-free” ang ating Pagbasa ng Tula.
 
MECHANICS:
 
1. Maaaring magpa-pre-register o magpa-register sa mismong araw ng paligsahan. Mangyaring makipag-ugnayan kay Rado Gatchalian, Cesar Bartolome, o sa iba pang mga pinuno ng PCCNSW. Sa araw na iyon ay hihikayatin at bibigyan ng pagkakataon ang audience na lumahok sa kompetisyon na ito.
 
2. Ang kompetisyon na ito ay base sa GALING SA PAGBASA NG TULA. Hindi kailangang isaulo ang tula. May kopya ng tula sa iyong harapan habang sinasambit mo ang tula.

3. Ito ay bukas para sa lahat at magiging isang GENERAL COMPETITION na hindi mahahati ang levels sa edad. Bata o matanda ay magtatagisan ng pagbasa sa iisang kompetisyon.
 
4. MAY TATLONG OPTIONS upang mas maging malaya at madali ang paligsahang ito:
 
 1. Ang tula ay sariling gawa
 2. May nakahandang tula na gawa ng ating makatang si Rado Gatchalian. Maghahanda ng kopya ng ilang tula sa araw na iyon upang may magamit ang mga kalahok na walang sariling tula
 3. Tula ng ibang manunulat o mga tula na available publicly. Subalit kailangang ipakita muna sa Komite ng Paligsahang ito ang gagamitin na tula upang masiyasat nang panandalian ang angkop nito sa madla (walang mga di kaaya-ayang salita) at haba ng tula
 
5. Hangga’t maaari ay 2 – 2.5 minutes lamang ang maximum na haba ng pagbasa ng tula. Ito ang dahilan upang kailangang makita muna ng Komite kung gaano kahaba ang tula at dahil na rin sa limitadong oras ng paligsahang ito.
 
6. CRITERIA:
 
 1. Galing at Husay sa Pagbigkas at Pagbasa (Pronunciation, Pausing, Emphasis, Posture, Eye Contact, Gesture, Ability to read with feelings, Confidence) = 5 POINTS

 2. Personal na appeal/impact sa Hurado (Kung paano na-inspire ang Hurado sa pagbasa ng tula ng manlalahok kahit iba man ang lengguahe/diyalekto. Hindi man naintindihan ang kahulugan ng salita ay naramdaman ng Hurado ang diwa at ispiritu ng Tula. Sakop nito ang emosyonal na impact na naramdaman ng Hurado, ang maramdaman ang ganda at agimat ng nasabing Tula at pagbigkas nito) = 5 POINTS

 3. Matulaing Pamamaraan (Intonation, Rhythm, Poetic delivery) = 4 POINTS

 4. Pagkamalikhain (Innovation, Creativity) = 3 POINTS

 5. Audience Impact / Audience Engagement = 3 POINTS

TOTAL POINTS: 20 POINTS
 
7. PRIZES:
1st Place: $300
2nd Place: $200
3rd Place: $100
 
Ang mga mananalo ay maiimbitahan din magbasa ng tula, LIVE o recorded, sa RADIO Tagumpay.

8. Ang desisyon ng mga Hurado ay final and irrevocable.
 
 
Prepared by:
 
Rado Gatchalian 
Chairman, TULAMBIT
 
Assisted by:
 
Grazie Panlican 
Ery Rivera
TULAMBIT Committee Members

Popular posts from this blog

DALAMPASIGAN SA PANUBIGAN

UNSWERVING SERVICE TO HUMANITY

VACCINES OF DEATH